Wednesday, 12 March 2008

Friendster Account[isang mahabang CHISMAX]

4:45 pm / 8 comments
Kung ako'y naging kaibigan niyo na sa friendster, masyado bang nakakapagtaka kung sino AC DC?

OO. Wala na akong clue na ibibigay pa, bahala kayong makagetz kung anu ang sinabi k sa taas. basta ako, yun na yun. lol.

Balak kong magdelete ng account sa friendster, pinagisipan ko na 'to nung mga nakaraang araw at naisip ko na mabuti nalang din na ganun nalang. Pero sa huli eh hindi ko nalang din tinuloy dahil nagmakaawa ang isang kaibigan mula sa pinas na wag nalang daw tanggalin kasi sayang daw ang numero ng mga kumentong binigay ko sa kanya. Wala namang mangyayari kaya hindi ko nga cinancel, pero kung makikita niyo ang profile na yun, ewan ko lang kung makilala niyong akin yun.

Ang gabundok na koleksyon ng mga litrato ko eh binura ko sa ilang click ng mouse ko. Pinalitan ko na ang layout ko na sobrang nabulok na doon. Ang napakadami kong kumento na halos lumagpas na ng 1000 eh pinabura ko na sa isang kaibigan at kay paderr teej. sabihin na nating sayang pero ganun talaga, kelangan kong burahin yun. at kung makikita mo ang profile ko eh walang kalaman laman maliban nalang sa private photos, yung mga required blanks sa accounts at sa mga kaibigan ko doon na ubod ng dami.

At kung bakit ako umalis?

Hindi na ako magdedeny since alam naman ng lahat na hindi lang simpleng "wala lang" ang dahilan ko.

*Ayoko na ng marami. sa 647 na kaibigan ko doon[nagbawas ako ng 2] na halos hindi pa kumakalahati sa mga iyon ang mga taong mismong kilala ko, hindi ko rin maiwasan na makaramdam ng kag_g_han sa sarili dahel never ko atang napindot ang 'no' button sa bawat friend request na nakukuha ko maliban nalang nung kahapon. Napansin ko din na dumadami na ang bilang ng mga taong nagvview ng profile ko at dumadami na rin ang bilang ng mga taong nagiinvite sa kin na hindi ko naman kilala at wala namang connection sa 'kin. Sa hindi ko malamang rason, ako'y biglang na-insecure.

*May iniiwasan daw ba ako? sinoo daw?!

Oo. ako'y may iniiwasan, at kung sino man siya, hindi na yun mahalaga dahil iniiwasan ko nga siya. getz niyo na siguro pero kung hindi pa rin eh basahin niyong maigi. Ang taong yun eh nakilala ko lang sa friendster, hindi siya masamang tao actually, mabait naman, pero sa kabila nun eh nakaramdam ako ng goosebump o insecurity habang kausap ko siya. Sabayan mo pa ng mga katagang, "patingin naman ng cam mo..." o "may mic ka ba?" at "what is love?"

ampota naman, may dictionary naman sa internet, bakit tinanong pa sa 'kin!?

hindi ko alam kung nangiinsulto ba siya or what, pero sa totoo lang, hindi naman ako mapipikon kung sabihan niyo ako ng mataba dahel mataba naman talaga ako[at nangangayayat, bwahaha]. Nung unang beses niya akong sinabihan nun eh okay lang naman sa kin, pero bigla akong nabwisit at napuno sa mga banat niyang "ang ganda ganda mo..ang taba taba pa"

Hindi naman ako SOBRANG taba. wag mo namang isampal sa 'kin na baboy ako >:(

tapos lagi niyang binabanat sa kin sa tuwing kakain na ako na pakabusog lang daw ako para tumaba ako lalo. pffft. Bumanat pa siya na mukha daw akong 17. okay lang yun pero sabihan naman daw ako na bagay ko daw yun na mukha akong matanda.

Kaya ayun at nagappear offline ako sa kanya at nilagay ko siya sa ignore list ko sa ym, dinelete ko ang 2 accounts niya sa friendster ko at iniba ko ang featured friends ko. Bahala siya as buhay niya. basta binuksan niya ang mata kong nagpipikit-pikitan

*Nagbabawas ng potential lovelife[ISANG MALAKING CHENES:p]

Wala. As in wala akong balak magkaron ng lovelife. Kaya ko na rin iniiwasan ang taong tinutukoy ko sa taas eh dahil na rin sa nakaramdam ako na gusto niyang magkaroon ng lovelife at baka sakaling pwede ako. Pero bago pa niya gawin yun eh uunahan ko na siya at tinype ko na ang id niya sa ignore list. Kung kaibigan niyo na ako sa isa kong account eh makikita niyong bilang ang mga pangalan ng mga lalaki dun, madali lang naman magdelete dahil konti lang ang number ng mga kaibigan ko dun. hindi pa ako bitter. kagaya ng sinabi ko, ayoko ng lovelife, at habang tumatagal eh hidni ko rin naman maitatangging madami ng nagaaya sa 'kin ONLINE.

Sa opinion ng tulad kong nanggaling lang sa Online Relationship na yan eh isa lang ang masasabi ko: Walang kasiguraduhan at walang katotohanan. Okay lang naman sa 'kin ang ganito noon, pero sabi nga nila, wala ng mas hihigit pa sa mga totoong karanasan. No offence sa mga nasa sitwasyon na ito. Hindi naman sa walang katotohanan talaga, but look, pwedeng totoo at pwede ring hindi ang mga sinasabi niya sayo, pero panu mo malalaman kung anu ba ang totoo? that's for you to find out.

*gusto ko ng matinong buhay.


At oo, yun na yun. sobrang haba na pala ng ginawa ko. XD

Image Hosted by ImageShack.us