Thursday, 13 March 2008

Best of Mates

3:36 pm / 12 comments
"You were best mates right?"

yan ang sabi ng guro ko sa English nung pinuntahan namin siya ng kapatid ko nung uwian. Kinausap niya kasi kami ni Sione kanina tungkol sa isang issue.

Pero panu nga ba nangyari?

Simple lang, nasa Period 3 namin at may dinistribute na isang sheet tungkol sa isang research activity at essay topic na due pa naman next term. Kinausap ako ni Sione tungkol sa magggroup kami and all. pero hindi ako mejo nakikinig sa kanya dahil nagdidiscuss ang teacher, mejo naiistress na din ako nung oras na yun, sa totoo lang, ayoko kasi ng group task, pero nirereconsider ko din naman since natututo naman ang tao at hindi na siya tulad ng dati na ako nalang si lahat.

"well i think we could do that for ourselves"

tinuro ko sa kanya yung essay. Ewan ko ba pero hidni niya ata magetz yung I THINK, i meant na option lang yung sinabi ko, pero sabi ko naman na kung gusto niya ng group edi okay.

Pero nung nakita kong nagdrama siya sa 'kin. bigla akong nastress na at napapikit. pakiramdam ko tuloy yung eye bags ko eh namamaga. Hanggang sa narinig ko nalang sa kanya na ayaw ko na daw, bigla akong napressure. Kinausap ko siya at sinabi kong wala naman akong sinabing ayaw ko. Hanggang sa wala na. walang wala na. hiwalay na ang table namin.

Sa totoo lang, hindi naman magiging biggie sa 'kin yun. kaya lang kasi naririnig ko siya na pinaguusapan ako, hidni naman ako ganun kabingi para hindi yung marinig. at kung mali man ako, hindi ako lalapitan ni Ninh after ng klase namin para magtanong sa kung anong nangyari daw sa ming dalawa at ganun nga daw siya.

It kept me bothered, actually bigla akong nanghina at nalungkot, alam ko kasi na ang kasunod nun eh hindi na kami magpapansinan nanaman, ang alam ko naman eh hindi naman nagtatagal ang sama ng loob niya, pero kasi, hindi ko rin alam kung nag iba na ba siya since hindi na kami nagaaway magmula the end of last year.

Hindi niya ako pinapansin nung lunch, binuksan ko yung locker niya dahel nasa kanya yung lock ng kuya ko. tinatawag ko siya pero hindi niya ako pinapansin. napa hayy nalang ako. akala mo nga wala akong pakialam sa kanya pero ang totoo, ayoko talaga ng ganun kami. -_-

Nasa iisang table lang kami at kinakausap niya si Ninh about sa Science work requirement namin. Narinig ko nanaman yung pangalan ko. Hindi pa ako nakakagat ng Souvlaki ko eh nainis na ako. Nagalit ako sa kanya. Minsan napupundi na ako sa sobrang pagkaimmature niya at hindi pagkakaintindi, nung time na yun, i took back all the words and all the feelings na naramdaman ko. At ang sagot niya sa 'kin?

"FIGHT FIGHT FIGHT"

minura ko siya sa tagalog sa sobrang inis ko sabay kain. Tama yan cha, idaan sa pagkain.

Merong nagbigay ng sobre tungkol sa Good friday offering, yung grupo namin eh nagdecide na magbigay ng tig 50 cents bawat isa. Nagbigay ako ng 1 dollar, pero nainis ako kasi nga siya ang may hawak at sinabihan pa ako na hindi nila kailangan ng tulong ko. Tss. . gusto kong mainis nanaman sa kanya, pero instead, mas sinampal ko pa sa mukha ko na wala talaga akong kwentang tao dahil hindi ako kasing tigas ng iba. gusto kong maiyak pero hindi ko 'to ginawa, sasabihan lang niya akong iyakin at ayoko yun. Sa simpleng away na 'to walang dapat ikaiyak. masakit na ang dibdib ko. ayoko talaga ng ganun.

Nagpalit na rin kami ng locks, pinasabi pa niya kay Annie na sabihin sa 'kin. nung nagbell, saka ko lang pinalit. iniwan kong nakaopen. at syempre nagalit siya sa kin dahil bakit ko daw iniwang bukas. sabi ko nalang, nandun na siya nung umalis ako ng lockers. Masyado na akong badtrip sa kanya. hayy.

Nung inayus namin ni Ninh yung table namin, tinabi pa namin yung isang table para sa kanya, pero lumipat din siya nung nakabalik siya sa room kaya hindi nalang namin pinansin[o ako lang siguro, kasi alam kong ganun siya].

+++

Eto na nga ang time nung kinausap na kami ng english teacher namin after ng klase, tinanong niya yung issue na ayaw ko daw makipag group sa activity. Inexplain ko na sabi ko eh pwede naming gawin yun sa sarili namin, pero option lang naman yun. at syempre nakikita ko nanaman ang pagiging ewan niya na parang babae lang na gaga.

"He was kinda like a bully". nagtapat ako sa guro. inexplain ko kung bakit, na bully siya sa pag iisnab niya at pamimilosopo niya sa 'kin. Masyado na daw na disappoint ang teacher namin sa kanya[which is somewhat not really had any connections sa dispute namin since buong araw na siyang nagmomock around at hindi nakikinig.]. Pinagsabihan lang siya. Tapos lumabas siya sa pintuan ng padabog at galit na galit. Nagaantay nga doon ang 10A at tinatawag siyang 'loser'. Nairita ako sa kanila, gustuhin ko mang lapitan siya pero alam kong walang mangyayari, nakita ko naman na tinaas niya ang gitnang daliri niya at alam kong hindi para sa kin yun kundi sa mga tumatawag sa kanya na loser.

Alam kong kinwento niya sa mga iba naming kaklase yung nangyari, ewan ko kung anong reaction nila, negative man o hidni, desidido ako na hindi magandang comments yun. minsan talaga hindi ko rin gusto yung maging loner.

Dahil ako'y mahilig ng magulat eh hanggang ngayon eh gulat pa rin ako.

Nung Science time kasi, nagconcentrate nalang ako sa pagtapos sa Sose Work na dapat tapusin bukas. dahil sa wala naman akong Sose book, hindi ko na nagawa yung 3 questions na natitira.

Tinawag ni Sione si Ninh, isang malaking himala, kasi alam kong nagalit si Sione kay Ninh dahil sa Science work na yan, pero ewan ko, siguro ako lang talaga ang kagalit niya. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit bigla niya akong tinawag at lumipat daw ako sa harapan niya, ewan ko talaga. pinalipat din niya si Ninh, pero dahil hindi naman kinuha ni Ninh yung gamit niya, tumayo nalang ako at lumapit. Palagay ko kasi kelangan niya talaga ng tulong dahil yun naman ang sinasabi niya magmula kanina.

The next thing i know, ako na ang tumulong sa kanya sa lahat, iniwan ba naman ako ni Ninh. Pero mukhang okay lang sa kanya, ewan ko ba, talagang tahimik lang siya habang pinapakinggan niya ako tapos go lang siya ng go sa inaanswer niya. hindi namin natapos lahat, pero isang category nalang at tapos na nga siya.

Weird. Ewan ko sa kanya, LOL.

Natawa pa ako nung tinatanong sa kin ng english teacher namin kung ok na daw ba kami, natawa ako nung nilagay niya sa journal entry ni sione na 'be nice to cha'.

haha anu ba yan.

Pero gusto ko lang na mabalik ulit sa dati kinabukasan. wish ko lang. namimiss ko kasi talaga yung magkasama kami talaga eh.

uu. minsan pala namimiss ko din yun.

Image Hosted by ImageShack.us