Thursday, 2 August 2007
Sa Binggit ng isang Paalam.
Kung iisipin, pang ilang beses na ba akong nahulog? Reminscing past. nakakatuwa nga, kasi there are lot of times na lagi akong bigo...laging nasasaktan. Sa lovelife ko, mas madalas ang umiiyak kesa ngumingiti o naiinspired sa mga bagay bagay. Kadalasan mas nanaisin ko pang magpanggap na masaya kesa ipakita sa lahat na malungkot ako, iyakin naman talaga ako at wala naman akong magagawa...pero ayoko lang na makita nila akong umiiyak, ayoko kasing maawa sila dahil para akong musmos na bata na umiiyak kasi hindi nakuha ang gusto. Ayoko ring balikan ako ng taong mahal ko dahil nakakaramdam siya ng awa, kung tutuusin mas masakit yun kesa malaman mong hindi niya kayang ibalik yung pagmamahal na binigay mo. Kaya
pala mabait sayo kasi naaawa siya pag nasaktan ka niya...kala mo, the feeling's mutual pero ang totoo...hindi ka talaga niya mahal, its just that...hindi niya lang gustong masaktan ka.
Minsan nga dumarating na din ako sa point na ang lahat nalang ng ginagawa ko eh naayon sa puso ko, kaya pati kaibigan ko, nasabihan na akong "TATANGA-TANGA". i admit, tanga nga ako. kasi pumayag akong sumabit kahit alam kong hindi tama...umasa ako sa pag ibig na kelanman eh hindi ko na pwedeng makuha...gaga lang ako, paalis nako nun pero umaasa pa rin ako, binagalan ko pa ang lakad ko baka sakaling mahabol niya ako. Pero wala rin pala, kasi iba na ang tingin niya. Kaibigan na nga lang siguro...o baka hindi na rin kaibigan..maybe just a stranger. Sinubukan kong mag move on, pero bawat oras ata na wala siya eh parang mabigat na parusa na sakin...mas mabigat pa sa mga community service at sa mga afterschool detentions... isang iglap lang ng mga litrato niya eh feeling ko gusto ko ulit bumalik sa nakaraan na magkasama kami. muntikan na nga akong mabaliw sa kakaisip kung pano ko ba maalis sa puso ko yung memories namin na sa sobrang saya eh napapluha ako sa lungkot...Kung bakit pinaasa ko siya ng matagal, tapos minsan hindi ko sinasagot yung mga tanong niya kaya humahantong sa punto na nagaaway kami...pinagsisihan ko na pinalagpas ko lahat ng pagkakataon para makasama siya uli. Kulang na nga lang sabihan niya akong 'MANHID', nung nagmamakaawa na siya sa 'kin para lang balikan ko siya eh para akong gago na hindi makasagot sa mga sinasabi niya. Hanggang sa ayun, nakahanap ng iba...iniwan ako.
Pero hanggang ngayon, gusto ko mang umasa, pero desidido na akong isarado ang kapitulo ng storya na minsan may isang 'kami'. it's been 1 yr and a few months nung nangyari lahat ng yun, pero desidido na 'kong ibaon ang lahat sa limot...at ang itong katagang ito ang magpapatunay at ang pnakahuli kong sulat sa kanya...
"MINAHAL KITA"