Saturday, 4 August 2007

Promises

10:39 pm / 0 comments
hindi ako yung tipo ng tao na tumutupad ng pangako. Kadalasan naman eh puro napapako ang mga yun at dinadaan nalang sa limot. But on one side, gusto ko ring matutong tuparin ang kahit isa man lang sa mga napangako ko. I remember na i promised someone, na kahit anong mangyari, hindi ko siya iiwan. Nagdadalawang isip ako na sumagot ng 'OO' dahil alam kong hindi ko rin matutupad yun, but that person was one of the important part of my life.

Sinabi ko sa kanya na hindi naman ako yung tipong tumutupad ng pangako, pero kahit ano namang excuse ang gawin ko, nag iinsist siya, at ayaw pa niyang ibaba ang phone, ang nasa isip ko eh bababaan ko nalang siya pero naisip ko rin na siguro masyadong rude naman ang ganun, masyado ko na rin kasi siyang sinaktan nung mismong araw na yun. Hanggang sa huli, napapayag niya ako. ang sabi pa niya nun: "kung hindi ka marunong tumupad ng pangako, dapat magmula ngayon matuto ka na...para sa 'kin, ok ba yun?"

minsan tuloy wala akong masabi tungkol sa kanya, kasi ilang beses ko na rin siyang sinasaktan, pero eto siya ngayon, gagawin ang lahat wag lang ako mawala. gagawin ang lahat matupad lang din ang pangako niya na hindi niya rin ako iiwan. Gagawin ang lahat, wag lang akong magbago sa kanya. Eto naman ako, parang buang at hindi alam kung pano tutuparin ang pangako ko sa kanya.

There's a saying that promises are meant to be broken, pero meron din bang mga pangako na dapat tuparin?

ewan ko. hindi ko alam. as far as i know, i think i need to learn fulfilling a promise.

.17.


Image Hosted by ImageShack.us