Thursday, 2 August 2007
"I'm sick and tired!"
sa buhay buhay natin, madami tyong dapat lutasin, mga bagay na mahirap...pero kailangang kayanin. mga masasayang nakaraan...na dapat kalimutan. mga masasakit na katotohanan...na dapat tanggapin. Tulad sa so called 'love' na yan...ang hirap intindihin diba? Minsan, feeling heaven. Pero heck, kadalasan masakit. hurts like hell. sabi nila parte na yan pag nagmahal kah...kelangan mo munang umiyak bago ka sumaya. pwede mong sabihin na napakadaling sabihin nyan, pero napakahirap gawin. some said "ang corny" o "ang drama naman"...pero this is reality...na kahit anung gawin moh, wala ka ng magagawa kundi tanggapin.
"Try to be strong" ika nga ng mga kaibigan mo. Pero parang kahit anung comfort ng mga tao sa paligid mo eh parang walang epekto sayo, or maybe meron...pero for a meantime lang yun. Afterwards, maalala mo nanaman ang nakaraan. kung anu pa yung maganda pinagsamahan niyo, sa huli yun din ang pinakamasakit...diba? kasi nakakamiss yung nakaraan, yung tipong ang saya saya niyo tapos hahantong sa punto na "it'z over". Ito yung masakit na katotohanan na dapat mong tanggapin. Kahit inubos mo na lahat ng pagmamahal mo sa sarili mo para lang sa taong iyon, still pag tapos, tapos na. The End. Yun ang pinakamahirap na task pag nagmahal ka, letting go...Endure the pain and move on, so easy to say right? pero ang hirap gawin. it takes Forever para lang masabi mo ng walang halong kasinungalingan na "di na kita mahal". Lalo na kung minahal mo ng sobra sobra yung taong yun, parang pakiramdam mo, isang malaking parte ng puso mo ang natangay ng taong yun. Magaling na magnanakaw, sa tingin ko. Hindi mo nga alam kung mababalik pa yung piraso na yun sayo.
While letting go, hindi naman ganun kahirap if you focus on other things, makakatulong yun para kahit pano eh makalimutan mo siya in a period of time. Pwede mong gawin yun, pero dapat maintindihan mo na isang iglap lang sa mga bagay na pinagsamahan niyo(lyk songs, places na pinupuntahan niyo lgi, etc) eh babalik lahat ng nakaraan...magmumukmok ka ulit at iiyak. sisihin mo bakit mo siya nakilala at minahal. Well di naman natin maiiwasan na mahulog, tsaka di niya ginusto yun...si God ang may gusto nun. hindi rin naman niya kasalanan kung hindi niya kayang ibalik yung pagmamahal na yun na binibigay mo. Kaya walang sisihan, mahihirapan ka lang, trust me.