Thursday, 9 August 2007
Ayoko na! - ME.
10:49 pm /
0 comments
I'm not okay, I'm so not okay. Hindi ko alam kung pano ko ieexpress yung mga nararamdaman ko, Para akong masaya na malungkot na hindi mo maintindihan. It feels so Emo. At pakiramdam ko kung hindi ko isusulat 'to, baka sumabog na ako na parang Nuclear bomb.
My Heart is crying. Yes, it is crying. sinusubukan kong iwasan na may tumulong luha mula sa mata ko. Ayoko yun, bakit ako iiyak? yun ang lagi kong tanung, pero malalaman ko nalang yung dahilan once na tumulo ang luha ko. Mababaw ang dahilan ko, at sa totoo lang hindi yung dahilan para umiyak ako, pero ewan ko eh, parang...hindi ko na kaya... and I juz miss him so much it hurts.
Dati naman hindi ako umiiyak kung hindi man kami makakapagusap, kesyo 1 buwan pa yan eh ok lang naman sakin...pero ngayon, isang minuto lang ang lumipas parang gusto ko uli siyang makausap, gusto ko uling marinig yung boses na yun, yung boses na pinaghihirapan kong hanapin sa iba't ibang tao, yung taong hindi ko makita kahit kanino ako tumingin. Yung taong lagi nalang ako sinasaktan emotionally pag wala siya, pero in the end, it turns out na siya lang din ang makakapagpasaya sa 'kin. Ngayon na wala siya, ilang weeks lang lumipas parang tusukan na ang puso ko.
Naiintindihan ko lahat, naiintindihan ko kung bakit busy siya, lahat naiintindihan ko naman...Yun naman ang problema, naiintindihan ko, pero dahil wala siya, nangungulila naman ang puso ko. Ayoko siyang isipin, kaya lang kahit anong gawin ko tumatakbo pa rin siya sa isip ko, bakit hindi siya napapagod? sa pagtakbo niya sa utak ko, sabay ng puso ko na naghahanap sa kanya.
Hayy...I got Blurry eyes, hopefully hindi naman malabo ang paningin ko. Siguro nga iba talaga ang pakiramdam pag wala yung mahal mo. Parang ilang oras lang ang lumipas hindi mo siya matiis. Ngayon palang miss ko na siya, pano pa kaya sa mga sumunod na araw?
And there's one thing that keeps on bugging my mind, pwede kaya akong sumaya ng wala siya?
Malamang...hindi.
.17.